Digital Markets Act
Itinalaga ang Booking Holdings bilang gatekeeper sa ilalim ng Digital Markets Act (DMA) ng European Commission para sa online intermediary service nito, ang Booking.com, noong Mayo 13, 2024.
Nakatuon sa pagtataguyod ng patas at competitive na digital economy at nagpatupad ng ilang hakbang para sumunod sa aming mga obligasyon sa ilalim ng DMA.
I. DMA Compliance Report
Para malaman pa ang tungkol sa aming DMA compliance measures, mag-refer sa aming Partner Hub o DMA Compliance Report.
Para malaman pa ang tungkol sa mga technique sa profiling ng customers na ginagamit ng Booking.com, tingnan ang aming DMA Profiling Report.
II. Data portability
Sa Booking.com, nagsisikap kaming magbigay ng pinakamagandang posibleng experience para sa aming travelers. Mula sa pag-book ng perfect accommodation hanggang sa pangangalaga ng kanilang data, ginagawa ng Booking.com ang customer-centric approach para suportahan ang travelers sa pagkontrol ng kanilang sariling data.
Bilang bahagi ng aming DMA compliance, binuo namin ang bagong Data Portability API para mapahintulutan ang mga traveler na ma-transfer ang kanilang data sa isa pang naka-register na third-party website o app.
Available ang option na i-export ang data sa Booking.com travelers na matatagpuan sa European Economic Area (EEA). Puwedeng mag-request ang travelers na i-export ang kanilang data sa anumang naka-register na third-party website o app. Puwedeng simulan ng travelers ang pag-export ng data sa ilalim ng "Pag-manage ng privacy at data" mula sa kanilang "Account settings". Puwede ring direktang i-download ng travelers ang kanilang data. Kung hindi ipinapakita ang options na ito sa account settings o kung magkaroon ng mga issue sa pag-request ng data, makakatulong ang aming Customer Service.
Kailangang mag-register muna sa Booking.com ang mga third-party website o app na gustong makatanggap ng traveler data para tulungang masigurado ang tamang privacy at mayroong best practices para sa seguridad.
III. Feedback
Para sa anumang feedback tungkol sa aming compliance sa Digital Markets Act (DMA), gamitin ang webform ng “Dispute resolution center” at piliin ang nauugnay na DMA topic. Dapat i-browse ng partners ang partner section, samantalang, dapat gamitin ng travelers at iba pang interesadong party ang guest section para ipasa ang kanilang feedback.